Halos 700 kabataan sa Maynila, fully vaccinated na kontra COVID-19

Umaabot na sa 699 ang bilang ng mga menor de edad mula 12 hanggang 17 taong gulang ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Ito’y sa loob lamang ng halos tatlong linggo ng simulan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna sa mga kabataan.

Pumalo naman na sa 65,490 ang bilang ng mga kabataan na naturukan ng bakuna kontra COVID-19 kung saan nasa 6,000 bakuna naman ang inilaan ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa first dose vaccination.


Gaganapin ito sa anim na district hospital at anim na eskwelahan na may tig-500 doses ng COVID vaccine.

Ikakasa rin ang second dose vaccination sa mga menor de edad sa anim na district hospital kung saan bibigyan ng bakuna dito ang mga naturukan ng first dose ng Pfizer vaccine noong October 28, 2021.

Facebook Comments