Halos 700 Katao sa 2 Bayan sa Isabela, Tumanggap ng IRISE Assistance

99

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 689 na benepisyaryo mula sa bayan ng Luna at Reina Mercedes ang tumanggap ng tulong sa ilalim ng Isabela Recovery Initiative to Support Interprises (IRISE) Assistance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ito ay pinangunahan nina Isabela Governor Rodito Albano III at LPGMA Representative Allan Ty kasama sina Mayor Maria Lourdes Respicio-Saguban ng Reina Mercedes at Mayor Jaime Atayde ng Luna, Isabela.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng cash at tig-sampung kilong bigas.


Ang pamamahagi ng IRISE Assistance ay ipagpapatuloy pa rin sa ibang mga lugar sa probinsya.

Samantala, naglaan na rin ang provincial government ng 40 milyong pisong pondo para sa market at terminal complex sa bayan ng Reina Mercedes upang magkaroon ng mas maayos na lugar ang mga vendors.

Ayon sa naging mensahe ni Governor Albano III, ilan lamang aniya ito sa mga proyekto na inilaan ng pamahalaang panlalawigan sa dalawang bayan upang makatulong sa mga constituents para sa kanilang pangkabuhayan at ikabubuti ng susunod na henerasyon.



Facebook Comments