Umabot sa 688 na mga biktima ng human trafficking ang napigilan ng Bureau of Immigration (BI) na makalabas ng bansa sa iba’t ibang international airports.
Ayon sa BI, bistado na rin nila ang bagong taktika ng human traffickers kung saan binibiktima ng mga ito ang mga higit na naapektuhan ng pandemya.
Bukod sa pekeng travel documents, tinuturuan din anila ng illegal recruiters ang kanilang mga biktima ng sasabihin nito pagharap sa immigration officers.
Magugunitang noong 2021, umabot sa 13,680 na mga pasahero ang naharang ng BI dahil sa kawalan ng tamang travel documents.
Facebook Comments