Halos 700 residente sa Taytay, Rizal tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go

 

Binisita ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga residenteng nasunugan sa Taytay, Rizal.

Namahagi si Go ng tulong sa 679 na beneficiaries kung saan pinagkalooban sila ng
meal, food pack, vitamins, masks, at face shields.

Kabilang sa mga natulungan ang mga biktima ng sunog, indigent at physically disabled persons, dialysis patients, at sewer workers.


Lahat naman ng 179 na nabiktima ng sunog ay inabutan ng tulong-pinansyal.

“Nabalitaan kong nasunugan kayo rito sa Taytay. Nakausap ko si Mayor Joric [Gacula], ang sabi ko plano kong bumisita sa inyo, sa mga nasunugan. Sinabi rin niya na marami talagang walang hanapbuhay at mahirap ang buhay. Kaya inisa na natin para makapagbigay na rin tayo ng konting tulong sa kanila,” ayon kay Go.

Ang ilang benepisyaryo na indegent ay binigyan ng sapatos, may tumanggap din ng bisikleta para magamit nila sa kanilang pagbiyahe patungong trabaho.

Habang ang iba ay binigyan ng tablets para magamit sa onlic classes ng kanilang mga anak.

“Pakiusap ko sa mga kabataan, mag-aral kayo nang mabuti. ‘Yan lang ang puhunan natin sa mundong ito– edukasyon. Iyan ang magpapasaya sa inyong mga magulang na nagtatrabaho para mapaaral lang kayo,” paalala ni Go.

Kasabay nito, isinulong ni Go ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) para mapagbuti ang kakayahan nitong makaresponde sa mga insidente ng sunog.

Noong 2020, naghain si Go ng Senate Bill No. 1832 na layong atasan ang BFP na bumuo at magpatupad ng fire protection modernization program.

Kabilang dito pagbili ng modern fire equipment, at pagdaragdag ng kanilang mga tauhan.

Nakasaad din sa panukala na dapat nagsasagawa ng buwanang fire prevention campaigns at information drives ang BFP sa mga bawat local government unit, lalo na sa mga informal settlements, economically depressed areas, at far-flung communities.

“Bilang Vice Chair ng [Committee on] Peace and Order sa Senado at ng Finance (committee), marami na akong isinulong na pondo para sa ating BFP, not only sa mga kagamitan, but pati sa information campaign natin,” paliwanag ni Go.

Samantala, bilang chairman ng Senate Committee on Health sinabi din ni Go na mayroong nakahandang tulong ang gobyerno sa mga maysakit na nangangailangan ng medical assistance.

Ayon kay Go, sangayon, mayroong apat na Malasakit Center sa lalawigan ng Rizal na makikita sa Antipolo City Hospital System Annex 4, Bagong Cainta Municipal Hospital, Casimiro A. Ynares Sr. Memorial Hospital, at sa Margarito A. Duavit Memorial Hospital.

Sa isinagawang aktibidad, may mga kinatawan din ng DSWD na namahagi ng family kits at financial assistance sa mga biktima ng sunog.

Ang mga kinatwan mula sa Department of Health ay namigay ng medicine packs, hygiene kits at medical-grade masks.

Habang ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry at National Housing Authority ay nagsagawa ng assessment sa mga paektadong pamilya para sila ay mapagkalooban ng livelihood at housing assistance.

Present sa aktibidad sina Taytay Mayor George R. Gacula; Vice Mayor Michell B. Bermundo; at mga konsehal.

“Kanina ang lakas ng ulan doon sa Maynila. Sabi ko, ituloy pa rin natin kahit halos wala na kami makita. Naniniwala ako, pag panahon mo na talaga, panahon mo na ‘yan. At kung mamamatay ako dahil sa pagseserbisyo sa aking kapwa Pilipino, isa pong karangalan ‘yon,” sinabi pa ni Go.

Facebook Comments