Halos 7,000 Containers na nakatengga sa iba’t-ibang pantalan sa bansa, pinuna ng Commission on Audit

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang nasa halos 7,000 Containers na naglalaman ng bigas, asukal at iba pang donated goods na nakatengga sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.

Ipapadala sana ang mga ito sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Base sa report ng COA, “overstaying” na ang ilan sa mga kargamento ng higit 25 taon.


Maliban dito, kinuwestyon din ng COA ang ilang cargo na pinayagang ilabas ng Bureau of Customs sa kabila ng non-comliance sa legal requirements at pagbayad sa customs duties.

Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act, ang mga inabandonang containers mula noong December 31, 2018 ay ikinukunsiderang ‘undisposed’ o ‘overstaying’ na, at maaaring ibenta o isalang sa public auctions.

Inirekomenda ng COA na iprayoridad ang proper disposition ng perishable goods at items.

Pinapanagot din ng COA ang mga BOC Personnel at iba pang opisyal na sangkot sa paglalabas ng cargo na hindi nagbabayad ng duties nito ay pagpasa ng mga kaukulang permit.

Facebook Comments