Halos 7,000 COVID-19 test results, target i-validate ng DOH sa mga susunod na araw

Isasailalim sa validation ng Department of Health (DOH) ang nasa 6,800 COVID-19 test results.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinabibilis na ng ahensya ang proseso.

Pero paglilinaw ni Vergeire na hindi lahat ng 6,800 test results ay isasama sa confirmed cases.


Aalamin kung nagkaroon ng duplication at maling inputs.

Tiniyak naman ng DOH na nananatili pa rin silang transparent sa pag-uulat ng COVID-19 situation sa bansa.

Nabatid na sinimulan ng DOH ang pag-classify sa mga bagong kaso bilang “fresh” o “late” cases.

Facebook Comments