Sumampa na sa halos 7,000 ang bilang ng mga stranded sa mga pantalan sa mga rehiyon sa bansa na apektado ng Bagyong ‘Agaton.’
Sa datos na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG), hanggang kaninang alas-4:00 ng umaga, umabot na sa 6,949 passengers, drivers at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan.
Pinakamarami ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region na nasa 3,736; sinundan ng Eastern Visayas (1,752); North Eastern Mindanao (654); Central Visayas (530); at Western Visayas (277).
Nasa 2,066 na mga rolling cargoes, 51 vessels at 1 motorbanca rin ang hindi makapaglagay dahil sa bagyo.
Facebook Comments