Halos 74 na porsyento ng total force ng PNP, fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa 73.98 percent o 164,787 ng kabuuang pwersa ng Philippine National Police (PNP) ang fully vaccinated kontra COVID 19.

Ito ang iniulat ni PNP Chief General Guillermo Eleazar.

Habang 22. 46 percent o 50,019 PNP personnel ang nakatanggap na nang kanilang first dose ng COVID-19 vaccine.


Mayroon namang 3.56% o 7,937 PNP personnel ang hindi pa nagpapabakuna.

Unang nang inihayag ng PNP na walang mangyayaring pilitan sa mga PNP personnel para magpabakuna kontra COVID-19.

Pero ayon kay PNP chief, malaking tulong ang bakuna kontra COVID-19 lalo na sa mga pulis na nasa frontline, kaya nagpupursige aniya sila na lahat ay mabigyan ng bakuna na dagdag proteksyon laban sa nakamamatay na virus.

Facebook Comments