Halos 74K trabaho, alok sa Labor Day job fair ng DOLE

Nasa halos 74,000 na trabaho ang iaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isasagawa nitong nationwide job fair sa May 1, Labor Day.

Ayon sa DOLE, inisyal na 73,779 na trabaho ang maaaring aplayan ng mga job seeker.

Lalahok sa job fair ang nasa higit 800 employers mula sa industriya ng Business Process Outsourcing o BPO, manufacturing, financial at insurance activities, manpower services, at sales and marketing.


Mayroong 42 job sites ang DOLE sa buong bansa.

Magiging main job fair site ang SMX Convention Center sa Pasay City kung saan 12,000 job vacancies ang iaalok ng 125 employers simula sa April 30.

Magkakaroon din ng post-labor day job fairs sa People’s Center, Balanga City, Bataan at Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City, Bulacan sa May 3; at sa 3rd Level Alabang Public Market sa May 5.

Facebook Comments