Halos 77,000 adverse event, naitala ng FDA sa pagbabakuna sa 77 milyong indibidwal

Umabot lamang sa 76,837 Adverse Events Following Immunization (AEFI) ang naitala ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagbabakuna ng aabot sa 75 million indibidwal kontra COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, 0.1% lang ito ng kabuuang 75 milyong indibidwal kung saan mayorya ay nakakaranas ng mild symptoms.

Nasa 0.005% naman o 3,874 ang nakaranas ng seryosong adverse events.


Ilan sa mga side effects na naranasan ng mga nagpabakuna ay; pagtaas ng blood pressure, kinakabahan sa araw ng pagbabakuna, lagnat, sakit ng ulo, panghihina, panlalamig, ubo, pagkahilo, pagod at pananakit sa brasong tinurukan ng gamot.

Sa kabila naman ng mga ito, tiniyak ni Domingo na mananatiling ligtas at epektibo ang mga bakuna.

Facebook Comments