Nakatakdang tumanggap ang libong mga estudyante mula sa Pangasinan State University – Lingayen Campus ng tulong pinansyal mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Kabuuang anim na libo, apat na raan at tatlumpo’t-tatlong mga mag-aaral ang tatanggap ng tatlong libong piso bawat isa.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga estudyante ng institusyon na makatutulong na para sa kanilang pag-aaral.
Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na magpapatuloy ang suporta para sa mga kabataang Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments