Halos 80 guro sa Cotabato City, umatras bilang board of election matapos na makatanggap ng pagbabanta

Aabot sa 26 ballot boxes ang hindi pa rin kinukuha sa treasury office ng Cotabato City.

Ito ay kasabay ng plebisito para sa ratification ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Lumalabas sa ulat na nasa 78 guro ang hindi sumipot para kunin ang mga ito.


Ang mga ballot boxes ay dapat nasa clustered precincts na bago ang alas-7:00 ng umaga.

Ayon sa mga local officials, ang mga guro ay nakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay sa pamamagitan ng text messages.

Sa ngayon, pinag-uusapan na ng Comelec at PNP kung ang mga pulis ay maaring magsilbi bilang miyembro ng plebiscite committee.

Facebook Comments