Halos 800 na pulis, pinakalat ng NCRPO sa Metro Manila ngayong Undas

777 na mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naka-deploy ngayon sa mga sementeryo ngayong Undas.

Partikular na binabantayan ng mga pulis ang 113 na mga sementeryo sa Kalakhang Maynila.

Kabilang dito ang 29 na sementeryo na sakop ng Northern Police District (NPD) na nilagyan ng 245 police officers, Eastern Police District (EPD) na may 19 na sementeryo at may 212 na nakaposteng pulis gayundin ang Manila Police District (MPD) na may 5 sementeryo at may 27 personnel na nai-deploy, Southern Police District (SPD) na may 33 cemeteries at may 179 na mga nakabantay na mga pulis habang ang Quezon City Police District (QCPD) na may 27 sementeryo ay nagtalaga ng 114 na mga pulis.


Layon nito na matiyak na walang makakapasok sa mga sementeryo mula ngayong araw, October 29 hanggang sa November 4.

Ito ay matapos ngang ipag-utos ng pamahalaan ang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa bansa mula ngayong araw para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments