Halos 800 social accounts, pages at group na iniuugnay sa Iran, tinanggal ng FB

Tinanggal na ng Facebook ang halos 800 Facebook accounts, pages at group na iniuugnay sa Iran.

Ayon sa Facebook ang mga nasabing account at pages ay kanilang tuluyang tinanggal dahil sa tinatawag na coordinated inauthentic behavior.

Katuwiran ng social media giant, hangad ng mga fake accounts na guluhin ang lagay ng politika at eleksyon.


Samantala, daan-daan Facebook accounts at pages din na iniuugnay sa isang grupo sa Indonesia ang inalis dahil sa pagpapakalat ng mga fake news at hate speech.

Nabatid na inaabuso ng cyber group na Saracen ang social media platform sa pamamagitan ng mga fake accounts na nagbibigay ng mga nakakalitong impormasyon sa mga netizens hinggil sa mga isyu.

Napag-alaman na nitong mga nakalipas na buwan, isinagawa ng Facebook ang pagdo-double check sa mga accounts ng mga grupo sa Myanmar, Bangladesh, Russia at Pilipinas.

Facebook Comments