Halos 8,000 pulis, idineploy ng PNP sa buong bansa kasabay ng National Peace Rally ng INC

Umaabot sa halos 8,000 mga pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng National Peace Rally ng Iglesia ni Cristo (INC) ngayong araw sa buong bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, sa nasabing bilang 5,500 ang idineploy sa Quirino Grandstand.

Sa ngayon, nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa iba’t ibang mga lugar sa bansa na pinagdarausan ng rally.


Sa datos ng PNP nasa 1.8-M mga INC members ang nakikiisa sa National Peace Rally kung saan 1.5-M dito ang nasa Quirino grandstand.

Ilan sa key locations ng INC rally maliban sa Quirino Grandstand ay sa sports complex ng Ilagan Cagayan, Provincial Capitol ng Puerto Princesa City sa Palawan, Wangan Park Legazpi City sa Albay, Freedom Grandstand ng Bacolod City, SRP Ground ng Cebu City, Ormoc City Plaza, Pagadian City Proper, Plaza Divisoria, Cagayan de Oro City, San Pedro Square Davao City, at Butuan Sports Complex.

Facebook Comments