Umabot na sa halos 8,000 ang bilang ng mga namatay na suspect sa ilalim ng anti-drug operations mula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong July 2016.
Batay sa 60-day accomplishment report ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan, nasa 7,987 drug suspects ang namatay sa 234,036 operations na isinagawa mula noong 2016.
Nasa 357,069 suspects ang naaresto habang nasa 1,290,768 ang sumuko.
Pagtitiyak ni Cascolan na patuloy nilang palalakasin ang kampanya kontra droga.
Si Cascolan ay nakatakdang magretiro sa susunod na linggo.
Samantala, sa record naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 155 ang namatay sa anti-drug operations mula March 31 hanggang July 31 ngayong taon.
Facebook Comments