Halos 80,000 indibidwal, naapektuhan ng lindol – NDRRMC

33

Umaabot na sa 79, 260 mga indibidwal ang naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa Northern Luzon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mas malaki ang itinaas ng bilang na ito mula sa 12, 945 affected individuals kahapon.

Karamihan sa mga ito ay galing sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 1.


Samantala, nanatili naman sa 5 ang kumpirmadong nasawi sa lindol na lahat ay galing sa Cordillera.

May 1 pang napaulat na nasawi pero ito ay bineberipika pa ng NDRRMC.

Nasa 116 naman ang kumpirmadong nasaktan sa lindol.



Facebook Comments