Halos 800,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 797,940 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Dakong alas-8 y medya kagabi nang dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International (NAIA) Terminal 3.

Personal itong sinalubong ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. bilang pasasalamat na rin sa Estados Unidos.


Ang dumating na mga bakuna ang pinakamalaking bulto na natanggap ng bansa ngayong linggo.

Prayoridad naman sa mga makakatanggap nito ay ang Region 3 at 4-A, 6 at 10.

Facebook Comments