Halos 800,000 MERALCO customers, wala pa ring kuryente

Umabot na lamang sa 784,954 customers ng Manila Electric Company (MERALCO) ang nawalan ng kuryente matapos manalasa ang Bagyong Ulysses.

Matatandaang umabot sa halos apat na milyong residente ang nawalan ng kuryente nang dumaan ang bagyo at pinatumba ang ilang poste ng kuryente.

Sa statement ng MERALCO, sinisikap ng kanilang line personnel na maibalik agad ang kuryente sa mga lugar na mapupuntaan ng kanilang equipment habang hinihintay na bumuti ang kondisyon sa lugar na hindi pa rin madaanan.


Apela naman ni MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga sa mga customer ng pang-unawa at tiniyak na ibabalik ang kuryente sa kanilang mga lugar sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments