
Stranded ang mahigit 81 na pasahero sa Manila Northport dahil sa paparating na Bagyong Opong.
Ang mga nasabing pasahero ay nakatakda sanang bumiyahe patungong Iloilo, Cebu at Bacolod.
Minabuti ng ilan sa kanila na sa pantalan na lamang manatili kaysa umuwi pa sa kanilang mga bahay.
Ayon kay Beth Perez, taga-Binangonan, kahapon pa ng gabi siya nasa pantalan.
Patungo sana siyang Cebu para dumalo sa burol ng kanyang kaanak pero hindi na siya umuwi dahil magastos sa pamasahe.
Ayon naman sa mga stranded na pasahero, may naibigay na pagkain at tubig sa loob ng pantalan at maayos naman ang kanilang tulugan at kalagayan.
Siniguro naman ng Philippine Ports Authority (PPA) na mabibigyan ng tulong ang lahat ng mga stranded na pasahero.
Facebook Comments









