HALOS 90, 000 NA FFPS AT NFIS NG DSWD FO1, NAKAPREPOSITION NA PARA SA MGA POSIBLENG MAAAPEKTUHAN NG BAGYO

Naka-standby na ang stockpiles sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 warehouse para sa maaapektuhang mga residente ni Bagyong Bising sa Ilocos Region.

Ayon sa tanggapan, nasa 72, 556 ang nakahandang Family Food Packs habang 15, 565 naman na mga Non-Food Items ang nakapreposisyon na rin.

Sa ngayon, pinaiigting pa ang koordinasyon ng mga concerned agencies sa mga lokal na pamahalaan upang antabayanan ang sitwasyon sa mga lugar kasunod ng posibleng epekto ng bagyo.

Pinaaalalahanan ang publiko na maging alerto sa insidente ng pagbaha o pagguho ng lupa, at umantabay sa mga weather advisories mula sa kinauukulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments