Halos 90 na bagong Immigration officers na nagtapos sa BI Academy, idineploy na sa iba’t ibang port sa bansa

Nagsisilbi na ngayon sa iba’t ibang port sa bansa ang 87 Immigration officers na nagtapos sa training ng Bureau of Immigration (BI) sa Pasay City.

Kabilang sa mga nagtapos ang Class 25 at 26 na kumuha ng Border Control Officers Module (BCOM) I in the BI’s academy in Clark, Pampanga.

Ang seremonya sa pagtatapos ng mga ito ay isinagawa naman sa Government Service Insurance System (GSIS) theater.


Tiniyak naman ni BI Commissioner Norman Tansingco na dumaan sa mahigpit na pagsasanay ang mga Immigration officer bago sila idineploy.

Pinaalalahanan din ni Tansingco ang mga bagong nagtapos na mga officer ng BI na siguruhin at isaalang-alang lagi ang proper conduct.

Siniguro nitong hindi nila sasantuhin ang mga mga BI officers na tiwali.

Facebook Comments