Halos 900 armas, nasabat ng PNP sa pagpapatupad ng Comelec gun ban

Umakyat na sa 1,163 ang bilang ng mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa pinaiiral na Commission on Elections (Comelec) gun ban.

Sa bilang ng mga naaresto, 1,123 ay mga sibilyan, 13 ang mga security guard, 10 ang miyembro ng PNP at 7 ang mga sundalo.

Nakuha sa mga naarestong ito ang 895 na mga armas, 412 na mga deadly weapon, 353 ang mga matatalas na bagay at 59 na pampasabog.


Bukod dito may nasamsam pang 5,545 na mga bala ang PNP sa mga naaresto.

Pinakamarami naman sa mga naaresto ay sa Metro Manila, sumunod ang Central Visayas, Central Luzon, CALABARZON at Western Visayas.

Facebook Comments