Halos 900 PDLs, nakalaya ngayong araw

880 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang prison at penal farms sa buong bansa ang lumaya ngayong araw.

196 sa kanila ay nabigyan ng parole, 209 ang na-acquit, 27 ang expired na ang maximum na sentensya.

Habang ang 414 ay expired na rin ang sentensya at may good conduct time allowance (GCTA).


Ang pagpapalaya sa PDLs ay bahagi pa rin ng decongestion sa mga kulungan.

Nagbabala naman si Bureau of Corrections Chief Gregorio Catapang Jr. sa mga presong nagbabalak tumakas.

Aniya, titiyakin nilang mahahanap ng mga awtoridad ang sinomang inmate na tatakas sa piitan.

Facebook Comments