Halos 9,000 katao, arestado ng PNP sa kampanya laban sa loose firearms

Umaabot sa halos siyam na libong katao ang naaaresto ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng mahigpit na kampanya laban sa loose firearms.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, simula January 1 hanggang December 15, 2023, nasa 8,834 na mga indibidwal ang naaresto habang umabot sa 44, 652 ang mga nakumpiska, narekober at isinurrender na mga baril.

Ayon sa PNP, bahagi ito ng kanilang kampanya para mapigilan ang pagkalat ng hindi lisensyadong baril na ginagamit sa krimen.


Samantala, mahigpit na rin tinututukan ng PNP ang kaso ng indiscriminate firing ngayong holiday season.

Sa ngayon, wala pa naman na namo-monitor ang PNP ng biktima ng indiscriminate firing kasama na ang kaso ng illegal discharge ng baril sa mga pulis.

Facebook Comments