HALOS 9,000 NA DAGUPEÑO, NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID-19

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Umabot na sa higit 9,000 na Dagupeño ang nabakunahan kontra COVID-19 sa nagpapatuloy na vaccination program.

Sa datos ng City Health Office, 6, 416 na medical frontliners ang naturukan ng first dose ng bakuna. 2, 614 naman ang nabakunahan ng kanilang second dose.

Ang lungsod din ang kauna unahan sa ilocos region na nagbakuna sa mga A2 priority group o mga senior citizen na ngayon nakapagbakuna ng 2, 230.


Sa kabuuan mayroon ng 11, 260 na bakuna ang naibigay sa mga iba’t-ibang ospital sa lungsod.

Samantala, naghahanap naman ang pamahalaang panlungsod ng karagdagang nurse na tutulong sa paglaban sa COVID-19.

Maari umanong ipasa ang resume sa hroffice@dagupan.gov.ph hanggang sa ika-31 ng Mayo.

Facebook Comments