Halos 90,000 katao, isinailalim sa Pre-Emptive Evacuation dahil sa Bagyong Tisoy

Umabot na sa halos 90,000 katao ang inilikas sa apat na Rehiyon sa bansa bilang paghahanda sa hagupit ng Bagyong Tisoy.

Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 89,722 indibividual o katumbas ng 22,500 na pamilya ang isinailalim sa Pre-Emptive Evacuation sa Bicol, Central Visayas, Calabarzon at Mimaropa.

Pinakamaraming nailikas sa Bicol Region na nasa higit 80,000.


Kaugnay nito, nasa 5,558 na pasahero, 1.273 na rolling cargos, 73-vessels, at 21 motorbanca ang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.

Aabot sa 587 Million Pesos na standby fund ang NDRRMC para sa posibleng impact ng Bagyo.

May nakahanda na ring 300,000 family food packs para sa mga Evacuee.

Facebook Comments