Halos 900,000 AstraZeneca vaccine na donasyon ng Japan, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 896,000 doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng Japan.

Mismong sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., at Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang sumalubong sa mga bakuna na gagamitin bilang karagdagang suplay ng bansa.

Sa ngayon, aabot na sa halos 3 milyong bakuna na ang nai-donate ng nasabing bansa kung saan katumbas ito ng 1.5 milyong Pilipino na mababakunahan.


Samantala, umabot na ngayon sa 99,551, 290 doses ang na-i-deliver na sa bansa at inaasahang sasampa na ito sa 100 million pagdating ng 976,950 dose ng Pfizer vaccine mamayang gabi.

Facebook Comments