Dumating na sa bansa ang mahigit 866,970 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Dakong alas-9 kagabi ng dumating ang mga bakuna sa NAIA terminal 3 sakay ng DHL flight LD456.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, unang batch ito ng 1,733,940 doses ng Pfizer na binili ng gobyerno sa tulong ng Asian Development Bank.
Dahil sa bagong dating na bakuna, umabot na sa 118.11 million ang COVID-19 vaccines na dumating sa bansa.
As of November 10, umabot na rin sa 30.1 million ang fully vaccinated laban sa virus sa Pilipinas kung saan 35.6 million ang nakatanggap ng unang dose.
Facebook Comments