Halos 900,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating na rin sa bansa

Dumating na rin sa Pilipinas kagabi ang karagdagang 866,970 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, ito ang latest batch ng mga bakunang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Pinasalamatan naman ni Dr. Maria Paz Corrales, NTF Against COVID-19 medical consultant ang Estados Unidos dahil sa bagong dating na mga bakuna.


Sa kabuuan, 121,112,370 doses na ng COVID-19 vaccine ang naipadala na sa bansa.

Facebook Comments