Halos 900,000 voter applications, natanggap ng COMELEC para sa 2022

Umabot na sa halos 900,000 applications ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) sa nagpapatuloy na voters’ registration para sa May 2022 national at local elections.

Batay sa consolidated registration output ng poll body, lumalabas na 863,309 applications ang kanilang natanggap mula September 1 hanggang December 11.

Mula sa nasabing bilang, 466,271 ay babae at 397,038 ay lalaki.


Ang CALABARZON ang may pinakamaraming bilang ng aplikante na may 129,653; kasunod ang Central Luzon (97,455); National Capital Region (84,497); Central Visayas (63,667); Western Visayas (55,104); Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (52,787); Davao Region (46,475).

Sumunod dito ang Northern Mindanao (44,082); SOCCSKSARGEN (41,084); Bicol Region (40,361); Ilocos Region (39,075); MIMAROPA (35,016); Cagayan Valley (32,264); Zamboanga Peninsula (31,487); Eastern Visayas (29,076); Caraga (27,850) at Cordillera Administrative Region (13,186).

Facebook Comments