Halos 93% ng 3 milyong COVID-19 vaccines ang naipamahagi – NTF

Nakapag-deploy na ang pamahalaan ng 92.58% ng kabuuang supply ng COVID-19 vaccines sa bansa kasabay ng pagpapatupad ng libreng immunization program.

Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, kabuuang 2.8 million doses ng kabuoang 3,025,600 vaccine doses ang naipamahagi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Patunay ito na mula sa logistics at cold chain, handa ang bansa sa mabilis na pamamahagi ng mga bakuna kapag dumating na bulto ng supply mula sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).


Sa ngayon, aabot na sa 1,093,651 individuals ang nabakunahan ng first dose habang 162,065 naman ang nakatanggap ng second dose.

Ang mga nabakunahan ay A1 hanggang A3 na binubuo ng frontline healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

Katuwang ng NTF ang pribadong sektor para sa mabilis na deployment ng mga bakuna at masimulan ang pagpapabakuna sa A4 o economic frontliners.

Facebook Comments