Halos 99 porsyento ng mga residente ng San Nicolas ang nagsabing ligtas silang maglakad mag-isa sa gabi, batay sa resulta ng 2024 Community-Based Monitoring System ng Philippine Statistics Authority.
Ang datos ay nakalap mula sa 11,414 kabahayan sa 33 barangay at isinagawa mula Hulyo 2024 hanggang Oktubre 2025.
Ipinapakita ng resulta ang pangkalahatang pakiramdam ng seguridad ng mga residente sa kanilang komunidad.
Kaugnay nito, isiniwalat din ng CBMS na kakulangan sa pera ang pangunahing dahilan ng hindi pagpasok sa paaralan ng ilang mag-aaral.
Lumabas din sa ulat na may bahagi pa rin ng mga kabahayan sa bayan ang gumagamit ng natural o recycled na materyales sa bubong, pader, at sahig.
Samantala, pormal na tinanggap ng lokal na pamahalaan ang resulta ng CBMS sa pamamagitan ng paglagda sa Data Turnover Agreement na layong matiyak ang maayos at tamang paggamit ng datos sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa bayan.










