Halos apat na libong raliyista, lumahok sa kilos protesta sa pagdiriwang ng Labor Day sa Liwasang Bonifacio

Manila, Philippines – Umabot sa tatlo hanggang apat na libo ang lumahok sa kilos protesta sa pagdiriwang ng Labor Day sa Liwasang Bonifacio.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, pinayagan nilang manatili sa Mendiola ang mga raliyista kahit walang permit sa kondisyong gagawin nilang payapa ang kanilang programa.

Ang ilang myembro ng Anak Pawis ay nagtayo ng mga tolda sa Mendiola para may matuluyan ang mga kasamahan nila mula Mindanao.


Inaasahang magtatagal sa Mendiola ang mga raliyista mula Mindanao hanggang tatlong araw.

Kabilang naman sa mga isinisigaw ni Renato Reyes ng grupong bayan ang pagtapos sa end of contract.

Gayundin din ang dagdag na P750 sa minimum wage sa mga manggagawa.

Nagpakita din ng suporta ang ilan sa miyembro ng Gabinete ng Pangulo.

Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, suportado nila ang mga grupong nagsusulong ng pagwawakas ng kontraktuwalisasyon lalo’t karamihan sa mga empleyado ng kagawaran ay contractual.

Ganito rin ang panawagan ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Samantala, sinabi naman ng mga nagprotesta na patikim pa lamang ito sa isasalubong nila kay US President Donal Trump sa Nobyembre.

Pasado alas-syete kagabi mapayapang nagtapos ang program sa Mendiola.

DZXL558

Facebook Comments