Halos Apat na Magkakasunod na Lindol, Yumanig sa Ambaguio, Nueva Vizcaya

31

Cauayan City, Isabela- Niyanig ng halos magkasunod na lindol ang bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya matapos tumama ang magnitude 4.2 pasado 5:58 at 3.8 pasado alas-6:03, 1.7 dakong alas-6:34 at 1.8 pasado alas-6:52 ngayong gabi.

Base sa inisyal na pagtaya ang MDRRMO Ambaguio, wala pang naiuulat na pinsala sa imprastraktura ang lugar matapos ang pagyanig.


Patuloy naman ang ginagawang pag-iikot ng mga tauhan ng MDRRMO at PNP sa buong bayan para masiguro ang kaligtasan ng mga tao partikular sa mga kabahayan na malapit sa kabundukan.

Sa kabila nito, nararanasan ang malakas na buhos ng ulan sa bayan ng Ambaguio.

Facebook Comments