Umabot sa halos dalawang daang iba’t-ibang uri ng mga baril ang nakumpiska ng kapulisan sa Ilocos Region nitong nagdaang buwan ng Agosto.
Sa ilalim ng LOI Kontra Boga, 25 ang nakumpiska, 145 ang kusang isinuko, 5 ang narecover at 22 naman ang isinailalim sa safekeeping.
Kaugnay nito, 28 na mga indibidwal ang nasakote ng pulisya sa bisa ng ikinasang labingsiyam na magkakahiwalay na operasyon.
Ayon sa Police Regional Office 1, patuloy pa umanong palalakasin ang implementasyon ng kanilang kampanya kontra loose firearms upang malabanan ang paglaganap ng mga ilegal na baril at mapanatili ang kapayapaan sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









