HALOS DALAWANG DAANG KATAO, NAARESTO SA KAMPANYA LABAN SA ILEGAL NA DROGA

Sunod-sunod ang pagkakadakip sa mga taong nasasangkot sa ilegal na droga sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan.

Sa tala ng Pangasinan Police Provincial Office, nitong January 1, hanggang March 15, nasa kabuuang 177 na mga indibidwal ang nasakote ng pulisya dahil sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ito ay sa pamamagitan ng 158 na ikinasang operasyon ukol dito kung saan umabot na sa 570.513 grams ang nakumpiskang ipinagbabawal na droga. Nasa 89.731 naman ang nakumpiskang marijuana.

Mas pinaiigting pa ng pulisya ang kanilang hakbangin at aksyon ukol sa kampanya laban sa ilegal na droga.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments