Halos dalawang milyong bagong botante, inaasahan ng COMELEC sa pagpapatuloy ng voter registration

Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) na madaragdagan ng halod dalawang milyon ang kasalukuyang bilang ng mga botante.

Ito’y matapos na muling ipagpatuloy ang pagpaparehistro upang makaboto sa Barangay at SK Election (BSKE).

Sa isang panayam kay Atty. Tex Laudiangco, tagapagsalita ng COMELEC, mabilis ang proseso ng pagpaparehistro kung saan nasa halos sampung minuto lamang ito gagawin.


Aniya, kinakailangan lamang na magdala ng isang valid government ID ang magpaparehistro at kung wala naman ay tatanggapin naman ang barangay clearance na may litrato.

Nabatid na sa kasalukuyan, nasa higit 66 milyon ang bilang mga botante kung saan target ng COMELEC na maabot amg bilang ng higit 70 milyon.

Sinabi pa ni Laudiangco na tatagal ang voter registration ng hanggang January 31,2023 pero posible nila itong palawigin kung sakaling hindi matuloy ang BSKE sa May 2023 at itakda ito sa October 2023.

Facebook Comments