Posibleng umabot sa dalawang milyon ang bilang ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang maaalis sa listahan.
Paliwanag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na umaabot na sa 1.3 milyon ang tinatawag na non-poor o hindi naman mahirap kung saan ang ibig sabihin nito ay hindi na sila kwalipikadong kumuha ng cash assistance.
Ayon pa kay Tulfo, sa ngayon ay nasa 600,000 pa ang kanilang sinisilip kung kwalipikado pa sa naturang ayuda.
Nanawagan rin si Tulfo sa mga benepisyaryo na ipaalam sa kanilang ahensya kung lumipat o lilipat ng tirahan.
Giit kasi ng kalihim na sa oras na hindi sila naabisuhan ay otomatikong tatanggalin sila sa listahan ng mga benepisyaryo.
Una nang inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na linisin ang listahan ng 4Ps dahil sa mga napapaulat na may mga benepisaryo ang hindi naman mahirap at ginagamit sa sugal ang ayuda.