HALOS ISANDAANG INDIBIDWAL SA LUNGSOD NG DAGUPAN, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL SA ILALIM NG AICS PROGRAM NG DSWD

Matagumpay na napamahagian ng tulong pinansyal ang nasa halos isandaang indibidwal mula sa Lungsod ng Dagupan.
Kabuuang 97 na Dagupenyo ang kabilang sa indigent beneficiaries kung saan ang tulong na ito ay sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Naging katuwang ng ahensya ang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Dagupan.

Ayon sa City Government ng Dagupan na magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng iba’t ibat klase ng social services mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan para sa mga Dagupenyo upang makatulong sa kanilang pamumuhay.
Pinakiusapan naman ang mga nakatanggap ng tulong pinansyal na ito na sana ay gamitin sa tama at gamitin sa karapat-dapat na pagkagastusan gaya ng mga kailangan sa bahay o pagkain para maibsan ang iniinda nilang paghihirap, ipinaalala rin sa kanila na huwag sanang gamiting ang tulong na ito sa iligal na gawain o bisyo. |ifmnews
Facebook Comments