Halos isang bilyong vaccine doses, ibibigay sa mga mahihirap at middle-income na bansa – WHO

Aabot sa isang bilyong doses ng COVID-19 candidate vaccines ang inilaan sa COVAX facility.

Sa ilalim ng programa, layunin nitong mabigyan ng access sa bakuna ang low at middle-income countries.

Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, nasa 189 na bansa ang lumahok sa COVAX facility.


Ang pagdating ng mga bakuna ay isang major development pero aabutin ito ng mabahang panahon bago maihatid ito sa buong mundo.

Sa tantya rin ng WHO, posibleng maging limitado ang supply ng bakuna sa unang kwarter ng 2021.

Facebook Comments