HALOS ISANG DAANG ILIGAL NA POSTERS SA ASINGAN BINAKLAS NG COMELEC

Aabot sa 124 na iligal na election materials ng mga national candidates na ang inalis ng Task Force Baklas ayon sa COMELEC Asingan.
Apatnapu (40) dito ay sa pagka-presidente, apatnapu’t walo(48)sa pagkasenador, dalawapu’t walo (28)sa partylist at walo(8) naman na magkakahalo.
Ayon kay Raymund Juan Batac, Election Officer III ng Asingan, nagbigay umano ng notice ang kanilang tanggapan tatlong araw bago nila isagawa ang nasabing pagbabaklas.

Ipinaalala rin nito na kailangang tamang sukat na 3×2 feet ang poster at nakalagay sa common poster area o sa private property na pinayagan maisabit ng may ari.
Samantala, mahigpit na babantayan ng ahensya ang illegal na mga campaign materials na ilalagay ng mga organizer,lider o kandidato at ang iba pang paglabag sa COMELEC Guidelines. | ifmnews
Facebook Comments