Halos isang daang OFWs mula Saudi Arabia, dadating sa bansa ngayong hapon

Manila, Philippines – Siyamnapu’t anim na OFWs mula Riyadh, Saudi Arabia ang dadating sa bansa ngayong hapon.

Ang naturang repatriates ay sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 741 na lalapag sa NAIA Terminal 3 ngayong alas tres ng hapon.

Ang nasabing Pinoy repatriates ay matagal nang stranded sa Riyadh dahil sa magkakaibang problema sa employers.


Una nang nagtungo sa Middle East ang Pangulong Duterte at nangako itong pauuwiin sa lalong madaling panahon ang stranded OFWs doon.

Facebook Comments