SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Malapit ng makamit ng Police Regional Office 1 ang isang daang porsyento ng mga pulis na fully vaccinated kontra COVID-19 bilang dagdag proteksyon sa mga ito ngayong pandemya.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay PCpt. Amethyst Zoilo, Medical Officer ng Regional Medical and Dental Unit 1 na bagama’t may indibidwal na hindi pa nakakatanggap ng bakuna ay hindi hadlang para makamit ang 100% ng mga ito.
Dagdag nito na hindi na lalagpas sa sampung (10) indibidwal ang wala pang bakuna mula Region 1 dahil sa ang mga ito ay may sakit o buntis na kinakailangan ng waiver bago mabakunahan.
Ito umano kanilang dagdag proteksyon sa pagbibigay serbisyo sa publiko at sa mga pulisya na rumeresponde at nagbabantay sa border checkpoint.###