Halos Isang Dekada na Pagkadestino ng 45th IB sa Mindanao, Isang Malaking Hamon!

*Cauayan City, Isabela- *Isa umanong malaking hamon ang pagkadestino ng 45th Infantry Battalion sa ilalim ng 5th ID, Philippine Army sa Jolo, Sulu upang tumulong sa pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Ito ang inihayag ni Lt Col. Alaric Avelino delos Santos, pinuno ng 45th IB matapos bumalik sa kanilang mother unit dito sa Lalawigan ng Isabela ang 75 na tropa ng 45th IB noong sabado, Nov. 3, 2018 na sinalubong ng pamunuan ng 5th ID sa pangunguna ni Major Gen. Perfecto Rimando, Jr. kasama ang pamilya ng mga bumalik na sundalo.

Aniya, sa mahigit walong taon na pagkadestino ng kanyang tropa sa bahagi ng Mindanao ay isa umano itong malaking hamon dahil isa umanong isla ang kanilang kinaroroonan kumpara dito sa ating probinsya.


Kaugnay nito ay hindi naman umano sila nahirapan sa pakikipaglaban sa mga terorista dahil dumaan umano sa puspusang training at orientasyon ang kanyang pinamumunuang batalyon bago sumabak sa mga operasyon.

Samantala, sa 386 na ipinadalang miyembro ng 45th IB sa Mindanao ay mayroong sampung kasundaluhan ang binawian ng buhay sa kabila ng pakikipagbakbakan sa mga teroristang Abu Sayaff.

Pinag-ingat naman ni Lt Col Delos Santos ang 45 militar mula sa 21st at 41st IB na pumalit sa mga bumalik na militar upang pangalagaan ang seguridad at kaayusan sa nasabing bahagi ng Mindanao.

Facebook Comments