Halos isang libong pribadong motorista, nasampolan ng MMDA sa implementasyon ng mas mahigpit na yellow lane policy

Manila, Philippines – Umabot sa 831 na mga pribadong motorista ang lumabag sa mas pinaigting na pagpapatupad ng yellow lane policy sa EDSA.

Sa datos ng Task Force Special Operation ng MMDA mula ala 6 ng umaga hanggang alas nuebe kagabi, 176 na mga pribadong motorista ang natiketan ng kanilang field personnel kahapon habang 111 naman sa pampasaherong bus.

Bukod dito hindi din nakalusot sa pamamagitan ng no contact apprehension ang 655 na pribadong sasakyan at 170 naman ang nahuli sa bus.


Sa ngayon, umaasa ang MMDA na mababawasan na ang mga lalabag sa nasabing polisiya.

Samantala bukas, mahigpit narin nilang ipatutupad sa EDSA ang motorcycle lane.

Dahil dito, bawal nang sumingit singit ang mga motorsiklo na kadalasang sanhi ng aksidente sa kalsada.

Facebook Comments