Halos isang milyong informal sector workers, inaasahang matutulungan ng TUPAD program ng DOLE

Aabot na sa halos isang milyong manggagawa sa informal economy sector ang makikinabang sa Emergency Employment Program ng pamahalaan.

Ito ay ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) program.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ipinag-utos na niya ang pagpapatupad ng programa bilang isang post-COVID-19 intervention measure.


Layunin nitong matulungan ang informal sector workers na makabangon mula sa panahong nawalan sila ng trabaho at kita bunsod ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Tinatayang aabot na sa 962,000 informal sector workers ang maabot ng programa.

Magsisimula na ang programa ngayong buwan at magtatagal hanggang Hunyo sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ang programa ay mangangailangan ng budget na aabot sa apat na bilyong piso.

Facebook Comments