Halos isang milyong pisong halaga ng shabu, nasabat ng PNP sa Taytay, Rizal

Huli ang isang drug suspek matapos makuhanan ng 135 na gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon ng Police Intelligence Unit ng Rizal Philippine National Police (PNP) sa Taytay, Rizal.

Kinilala ni Rizal Provincial Police Office Director, PCol. Dominic Baccay ang drug suspek na si Mark Paul Gerico na residente sa isang subdivision sa Brgy. San Juan sa naturang bayan.

Narekober sa suspek ang anim na maliliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P918,000, isang pouch bag, isang P500 marked money.


Sa ngayon, nanatili sa kustodiya ng Rizal PNP ang suspek maging ang mga nasamsam na ebidensya para isailalim sa imbestigasyon at documentation.

Facebook Comments