Halos kalahati ng mga lokal na negosyo sa bansa, bigong ipatupad ang OSH law ayon sa DOLE

Tatlong taon matapos ipatupad ang updated Occupational Safety and Health (OSH) law, natuklasan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na halos kalahati ng mga lokal na negosyo sa bansa ang bigong magpatupad ng OSH law.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, karamihan sa mga hindi nagpatupad ng OSH law ay ang mga nasa Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMe).

Sa datos ng DOLE, 53% lang ang compliance rate mula sa 69,000 businesses na ininspeksyon ng DOLE nitong September 2022.


Kabilang sa mga paglabag aniya ay ang hindi paglalagay ng first aider o safety personnel at safety and health committee na itinakda ng OSH law.

Ang OSH law ay naisabatas noong 2018 na layong matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado na nangta-trabaho sa isang negosyo o kompanya at may multang P100,000 kada araw sa mga lalabag ditto.

Facebook Comments