Halos kalahati ng mga Filipino adults ay internet users.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 45% ng mga respondents ang nagsabing mayroon silang internet access.
Lumalabas na 98% o tinatayang nasa 29.4 million adult internet users ang mayroong Facebook accounts kung saan isa sa bawat apat na respondents ay nagbabasa ng balita araw-araw sa Facebook.
Nasa 69% ng adults o 45.8 million individuals ang kumukuha ng kanilang balita sa pamamagitan ng telebisyon, 19% sa radyo at isang porsyento sa mga pahayagan.
Ayon sa SWS na mula noong June 2006 ay nagkakaroon ng upward trend sa bilang ng internet users sa bansa.
Marami ang gumagamit ng internet sa Metro Manila, kumpara sa Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Mataas ang internet use sa urban kumpara sa rural areas.
Ang YouTube ang ikalawa sa mas sikat na ginagamit na social media platform na may 18% o 12.1 million individuals, kasunod ang Instagram na may 6%, Snapchat na may 4%, Twitter na may 3% at Viber na nasa 2%.
Pagdating sa gadgets, 83% ng mga Pilipino ay mayroong isang cellular phone, 79% ang nagmamay-ari ng telebisyon, 31% ang mayroong radyo at 14% ang mayroong personal computer.
Ang survey ay isinagawa mula December 13 hanggang 16, 2019 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents.